vrijdag 12 juli 2013

Gaano man kabigat

Gaano man kabigat
ang nagawa nating kasalanan
ang ating Panginoong Diyos
ay lagi handang magpatawad
sa humihingi ng Kanyang kapatawaran
sapagka't mahal Niya tayo
at may nakalaan Siyang
magagandang plano't biyaya
sa atin.

Ang Diyos ay madaling magpatawad
at sagana sa biyaya
kung matutuhan lang sana
nating aminin at akuin
ang ating mga nagawang kasalanan
at matututo tayong
humingi sa Kanya
ng kapatawaran
tayo ay madaling makakalaya
sa pagka-alipin
dulot ng kasalanan
at ng ating kahinaan
sa panunukso ng diyablo, ni Satanas.

Who committed a grave sin

Like King David who committed a grave sin against God, for he was anointed and chosen to become king of Israel; and against his neighbor, Uriah, for plotting his murder, to take his wife, Bathsheba, God in his goodness and mercies pardoned the offenses King David did; nevertheless, the punishment uttered by the Prophet Nathan against the kingdoms of Judah and Israel remained - they will experience lots of war in the Promised Land.  This event is also a reminder for us sinners, our sins are always forgiven yet there is always punishment stored for them - to purify once more ourselves, our motivation and freedom, and our wellness.

Nathan, the prophet, pointed out directly to King David his guilt without dilly-dally, he siad, "You are the man!" (Ikaw nga ang salarin!).  Then, afterward (isinungkawa) one by one, he narrated the gifts/graces God had given him:
     > anointed him as king of Israel
     > rescued from the former king Saul's hand
     > gave him the lord's (king Saul) house or kingdom
     > gave him many wives
as he added, that "if this were not enough . . ." God will give him more.  "I could count up for you still more."

See how generous God is to us.  He never loses graces upon graces towards us, if we obey Him, serve Him will full heart and sincerity.  But, man's desire cannot be satisfied.  The more he gets the more he wants.  After Fall, God cannot satisfy our hunger and thirst for anything except if we surrender to Him our appetite and desire - the freedom and free-will.

Tinatawag ka at hinihirang . . . sa kabila ng


Patuloy at hindi tumitigil
ang Panginoon Diyos
sa pagtawag at paghirang
sa mga tao (o marahil sa lahat ng tao)
upang ipamalita
sa bawa't sulok at lugar
na nagaganap na
ang Kaharian o Pamamayani ng Diyos -
ang kapayapaan, kasaganahan, kagalakan
at higit sa lahat ang pag-ibig
sa puso't diwa, sa tahanan at lipunan
ng bawa't isa, sa lahat ng tao
maging sa mga tinawag at hinirang
datapwa't hindi pa ito nangyayari
o nagaganap.

Marami pa rin sa atin ang patuloy
na nagbibingi-bingihan
o hindi nakikinig sa tawag ng Panginoon Diyos
at pinipili pa nila, marahil, ang manahimik
o magsa-walang kibo, halukipkip ang mga braso't kamay
lumagay sa isang tabi, tumingin na lang
at huwag maki-alam
o makisangkot sa Misyon at Gawain ng Diyos
dahil para sa kanila ay sapat na na buhay sila,
kontento sa buhay na nakagawian,
malayo sa gulo at hindi nahihirapan
o hindi makaranas ng kahihiyan
kapag sila'y tinatanggihan
o 'di kaya pinapaniwalaan
o ipamukha at ibalik sa kanya
ang kanyang mga kahinaan at mga kasalanan,
at baka pagsabihan pa sila
na "baka mas masahol ka pa kaysa sa akin."