vrijdag 12 juli 2013

Tinatawag ka at hinihirang . . . sa kabila ng


Patuloy at hindi tumitigil
ang Panginoon Diyos
sa pagtawag at paghirang
sa mga tao (o marahil sa lahat ng tao)
upang ipamalita
sa bawa't sulok at lugar
na nagaganap na
ang Kaharian o Pamamayani ng Diyos -
ang kapayapaan, kasaganahan, kagalakan
at higit sa lahat ang pag-ibig
sa puso't diwa, sa tahanan at lipunan
ng bawa't isa, sa lahat ng tao
maging sa mga tinawag at hinirang
datapwa't hindi pa ito nangyayari
o nagaganap.

Marami pa rin sa atin ang patuloy
na nagbibingi-bingihan
o hindi nakikinig sa tawag ng Panginoon Diyos
at pinipili pa nila, marahil, ang manahimik
o magsa-walang kibo, halukipkip ang mga braso't kamay
lumagay sa isang tabi, tumingin na lang
at huwag maki-alam
o makisangkot sa Misyon at Gawain ng Diyos
dahil para sa kanila ay sapat na na buhay sila,
kontento sa buhay na nakagawian,
malayo sa gulo at hindi nahihirapan
o hindi makaranas ng kahihiyan
kapag sila'y tinatanggihan
o 'di kaya pinapaniwalaan
o ipamukha at ibalik sa kanya
ang kanyang mga kahinaan at mga kasalanan,
at baka pagsabihan pa sila
na "baka mas masahol ka pa kaysa sa akin."

Geen opmerkingen:

Een reactie posten